Alam Ko Na Gagawin Mo Ang Tama - Motivational Video Tagalog


Ritchie Egam

1,019 views

HINDI KITA KILALA. HINDI MO RIN AKO KILALA. Pero alam ko kung anong meron ka. ALAM KO. Alam ko ang iyong kabutihan. Wag mong itago ang puso mo para lang makisama sa taong hindi mo gusto. Buksan mo ang puso’t isipan mo. Wag kang matakot maging ikaw. Ang totoong ikaw ay ang pinakamainam na ikaw. At ang totoong ikaw ay dapat malaman ng iba. Ang iba’y hindi magkakagusto sa’yo, hindi sila para sa’yo. Ang iba’y magmamahal sa’yo, sila ang nararapat sa’yo. Kung sinumang tao ang hindi tanggap ang tunay mong pagkatao, hindi sila nararapat sa’yo. GAYUNPAMAN ibuhos mo parin lahat ng pagmamahal mo sa kanila. Ilabas mo ang iyong ningning. ALAM KO. Alam kong hindi ka tanggap nila, kasi pinanganak kang may ibang pananaw sa buhay. Alam kong kakaiba ka pero makikita morin ang tamang lugar para sa’yo. Huwag mong ilapag ang sarili mo sa mga taong hinihila ka pababa. Maghintay ka sa mga taong i-aangat ka. HINTAYIN MO ANG SIKLAB. Ang tamang tao ay darating sa buhay mo kung MAPAGTIIS at MAPAGKATOTOO ka. ALAM KO. Alam ko ang mataas mong pangarap. Sundan mo ang pangarap mo. Ipaglaban mo ang pangarap mo. MAKAKAMIT MO RIN ITO. Ito’y karapat-dapat sa’yo. Makakamit mo ang ambisyon at katiwasayan na gusto mo. Gawin mo lahat kahit ano’ng mangyari, basta’t gawin mo lang kung ano ang tama. ALAM KO. Alam kong napapagod ka na. Huwag kang panghinaan ng loob. Magsaya ka sa iyong paglalakbay. Sa bawat hakbang mo, Sa bawat tao na makakasalubong mo, Sa bawat sandali, MATUTO KA SA LEKSYON NG BUHAY. Pansinin mo ang biyaya. Lahat ng gusto mo ay nararapat sa’yo. Tanggapin mo na ang buhay mo ay punong puno ng problema, kasi parte ito ng buhay. Hindi tayo namumuhay sa telebisyon, namumuhay tayo sa realidad. ALAM KO. Alam kong nasasaktan ka na. Lahat ng sakit ay dadaan lang at ito rin ang dahilan kung bakit matatag ka. Lahat ng bagay ay biyaya. Bawat aralin ay pagpapala. ALAM KO. Alam kong puno ka ng pagmamahal. Ibigay mo ang iyong pagmamahal sa sinuman. Gabayan mo ang puso. Alam kong napakalambot ng puso mo.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press