ALAM MO BA? Dininig na ng DIYOS ang Iyong mga Dasal. (Tagalog Vol. 7 ) God’s Love Inspirational.
Muli inihahandog sa inyo ng L’cie God’s Love143 ang isang paalala na marami tayong dapat ipagpasalamat sa Diyos. Madalas marami tayong hinihiling sa Diyos na pag nakamit na natin ay hindi na natin napapansin, dahil nagiging abala tayo sa paghiling ng ibang bagay. Minsan ang buhay ay hindi madaling maintindihan, subalit kung magtitiwala tayo ng Lubos at Tapat sa Diyos ay malalaman natin na mabuti at maganda ang lahat ng kanyang layunin sa atin. Madalas ang isang pangit na pangyayari sa ating buhay ay upang bigyan daan ang isang bagay na nais ng Diyos na mangyari. MAHAL tayo ng DIYOS.











