Ang iyong salita ay dapat nagbibigay ng kalusugan sa kaluluwa ng nga nakakarinig.
WOTG - Word On The Go
Naranasan mo na ba pumasok sa isang kwarto na madilim tapos nanibago ka kasi galing ka sa labas na maliwanag. Kaya pagpasok mo ay sobrang dilim. Pero habang tumatagal ay napapansin mo na hindi naman pala ganon kadilim at nasasanay ka na dahil naaaninag mo naman na ang mga laman sa loob ng kwarto na yon.
Alam mo ganyan din ang puso natin na nagaadjust sa mga bagay ng mundo. The more ka nananatili sa dilim ganun din sya nasasanay na sa dilim. Hindi mo na alam kung ano ang tama.
Kung noong bagong Kristyano ka ay ayaw mo nakakarinig ng murahan, tsismisan, green jokes, rated x o rated r na panoorin, at iba pa ay ngayung dumaan ang maraming taon ng pagiging Kristyano mo ay ganon ka pa din ba ang ka-passionate na alisin sa buhay mo ang mga ganitong bagay o sa kabaligtaran ay hindi mo napapansin na nasasanay ka na sa kanila?
At dahil hindi na ito big deal sayo ngayun ay hindi mo na tuloy madiscern o malaman kung ano ang tama at hindi.
Kaya nga kailangan mo hilingin sa Diyos ang discerning heart
Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
👉youtu.be/DQ-8KL5Lg20
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog