Ang Mabuting Balita Ep11 - #motivation #sermon #inspirational #verseoftheday


EESDTV

4 views

Gumagawa pa ba ang Diyos ng mga himala?

Maraming mga tao ang nagnanais na gumawa ang Diyos ng mga himala upang “patunayan” ang Kanyang sarili. Sinasabi nila, “kung ang Diyos lang ay gagawa ng mga himala o mga tanda o kahanga-hangang mga gawa, maniniwala na ako sa Kanya.” Ang kaisipang ito ay sinasalungat ng Bibliya. Nang gumawa ba ang Diyos ng mga kahanga-hanga at makapangyarihang himala sa harap ng mga Israelita, naging dahilan ba iyon upang manampalataya sila sa Diyos? Hindi, patuloy na sumuway at lumaban sa Diyos ang mga Israelita sa kabila ng napakaraming himala na kanilang nasaksihan. Ang mga taong nakasaksi sa paghati ng Diyos sa Dagat na Pula ang siya ring mga tao na nagduda sa Kanya kung kaya ba Niyang gapiin ang mga naninirahan sa Lupang Pangako. Ang katotohanang ito ay ipinaliwanag sa Lukas 16:19-31. Sa kuwento, isang lalaki sa impiyerno ang nakiusap kay Abraham na kung maaari ay buhayin si Lazaro at babalaan ang kanyang mga nabubuhay na kapatid. Sinabi ni Abraham sa lalaki “Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.”

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press