Ang Mabuting Balita Ep12 - #motivation #sermon #inspirational #verseoftheday


EESDTV

1 views

Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo at tsunami?

Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo, ipu-ipo, baha at tsunami? Noong 2004 isang tsunami ang tumama sa Asia, ang bagyong Katrina naman ang nanalasa noong 2005 sa Timog-Silangang Amerika, at ang bagyo noong 2008 sa Myanmar. Sa gitna ng mga kalamidad na ito, marami ang pinagdudahan ang kabutihan ng Diyos. Nakababahala na ang mga ganitong kalamidad ay laging tinatawag na “mga gawa ng Diyos” habang wala namang pagbanggit na gawa din ng Diyos ang mga siglo, dekada o daan daang taon na pagpapala ng kalikasan. Ginawa ng Diyos ang buong sangnilikha at ang mga batas ng kalikasan (Genesis ika Isa talata Isa). Karamihan ng mga kalamidad ay resulta ng mga batas na ito na pinaiiral ng Diyos sa mundo. Ang mga bagyo, ipu-ipo at tornado at resulta ng iba-ibang panahon na nagkakabanggaan. Ang lindol naman ay resulta ng paggalaw ng mga plato sa ilalim ng lupa. Ang tsunami naman ay resulta ng lindol sa ilalim ng karagatan.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press