Ang Mabuting Balita Ep13 - #motivation #sermon #inspirational #verseoftheday
EESDTV
Sinasagot ba ng Diyos ang panalangin ng makasalanan / hindi mananampalataya?
dineklara sa Juan 9:31, “Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya.” Dahil sa talatang ito, may ilang naniniwala na hindi pinakikinggan o sinasagot ng Diyos ang panalangin ng mga hindi mananampalataya. Ngunit ang konteksto ng Juan 9:31 ay tungkol sa paggawa ng Diyos ng himala hindi tungkol sa panalangin. Sinasabi sa Juan 5:14-15 na ang ang Diyos ay tumutugon sa panalangin kung ang panalangin ay ayon sa Kanyang kalooban. Ang prinsipyong ito ay maaaring ilapat sa mga hindi mananampalataya. Kung ang isang hindi mananampalataya ay humingi ng isang bagay ayon sa kalooban ng Diyos, walang makahahadlang sa Diyos upang hindi ipagkaloob ang panalanging iyon ng isang hindi mananampalataya na ayon sa Kanyang kalooban.











