Ang Mabuting Balita Ep2 - #motivation #sermon #inspirational #verseoftheday


EESDTV

13 views

Ang Diyos ba ay buhay? May katibayan ba na magpapatunay na ang Diyos ay buhay?

Napapansin ko na binibigyan ng higit na malaking atensyon ang usapin tungkol sa katanungang “Ang Diyos ba ay buhay?” Lumabas sa pinakahuling pagsusuri, na higit sa siyamnapung porsiyento ng populasyon ang naniniwala na mayroong Diyos o isang Lumalang na higit na Makapangyarihan sa lahat. Gayun pa man, tila nakaatang na sa balikat ng mga naniniwala sa Diyos ang pagpapatunay na ang Diyos nga ay buhay. Totoong mahirap itong patunayan ngunit lalo namang hindi mapapabulaanan na ang Diyos ay buhay. Ayon sa Banal na Kasulatan, kailangan nating tanggapin ang katotohanang ang Diyos ay buhay sa pamamagitan ng pananampalataya, “At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa Kanya. Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at Siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa Kanya” (Hebreo 11:6).

Show More

ung nanaisin lamang ng Diyos, walang kahirap-hirap para sa Kanya na patunayan na Siya nga ay buhay. Subalit kung gagawin Niya ito, mawawalan ng saysay ang pananampalataya ng tao. “Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo Ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila Ako nakikita” (Juan 20:29).

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press