Ang Mabuting Balita Ep3 - #motivation #sermon #inspirational #verseoftheday


EESDTV

1 views

Anu-ano ang mga katangian ng Diyos? Ano ang katulad ng Diyos?

Sa pagsisikap natin na sagutin ang mga katanungang ito, tunay na napakarami pa ang maaari nating matuklasan tungkol sa Diyos. Makabubuti para sa mga magsusuri sa mga paliwanag na narito na basahin muna ang kabuuan ng artikulong ito; pagkatapos ay balikan at hanapin ang mga talata para sa karagdagang paglilinaw. Ang pagsangguni sa mga nakasulat na Salita ng Diyos ay tunay na kailangan sapagkat tanging ang Banal na Kasulatan lamang ang karapatdapat na pagbatayan ng katotohanan tungkol sa Diyos at anumang mga paliwanag o opinyon lamang ng tao sa ganang kanyang sarili ay kapos para maunawaan ang Diyos (Job kapitulo cuarentaydos bersikulo siete). Ang pagsasabi na kaya nating maunawaan kung sino ang Diyos sa pamamagitan ng sariling pagpapalagay at karunungan ay isang kahangalan at isang napakadelikadong bagay. Kung ang ating sariling isipan lamang ang gagamitin sa pagpapaliwanag kung sino ang Diyos at kung ano ang kanyang katulad, tiyak na gagawa lamang tayo ng mga diyus-diyusan na laban sa kalooban ng Buhay na Diyos (Exodo kapitulo veinte bersikulo tres hanggan cinco).

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press