ANG MESSIAH ANG ANGHEL (Mensahero) sa EXODUS 23:20-21
#1. ANO BA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG SALITANG ANGHEL?
#2. PINAHAHAYAG NG BIBLIYA NA ANG MESSIAH ANG TAGAPAGSALITA AT SUGO NG AMA.
#3. ANG PANGALAN NG AMA AY NASA ANAK.
#4. ANG DIYOS LAMANG ANG MAY KAPANGYARIHANG MAGPATAWAD NG KASALANAN AT HINDI ANGHEL.
Pinatunayan ni Apostol Pablo, naroon ang Cristo (Messiah) habang sila Moses ay naglalakbay sa disyerto. Ganito ang sabi ni Pablo sa (1 Corinto 10:9) "Hindi natin dapat ilagay si Kristo sa pagsubok, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila at nilipol ng mga ahas..."
Show More
1 Corinthians 10:9 ESV
We must not put Christ to the test, as some of them did and were destroyed by serpents... (Numbers 21:5-6).
Ang karamihan sa mundo kapag nabanggit ang salitang anghel ang pumapasok kaagad sa kanilang isipan ay mga celestial beings tulad ni anghel Gabriel at anghel Michael. Ang hindi nila alam ang salitang anghel ay tumutukoy din naman sa mga pangkaraniwang tao, at hindi lamang kila Gabriel at Michael, sapagkat ang kahulugan din naman po ng salitang anghel ay Mensahero, Sinugo at Kinatawan ng Diyos.
At iyan po ang totoong kahulugan ng anghel, kaya hindi po malayong mangyari na ang Panginoong Messiah ang sinugo ng Ama kila Moses para magingat sa kanila at maghatid ng mensahe buhat sa Makapangyarihang Lumikha at Ama sa langit. At iyan po ay pinatunayan ng ating ginawang pag aaral ngayon.
Kaya ang salitang anghel ay hindi lamang para kila Gabriel at Michael, kundi para din naman sa mga pangkaraniwang tao, na sinugo, kinatawan at mensahero.
At kung magkagayon, hindi imposible na ang Messiah ang sinugo, kinatawan at mensahero ng Ama kila moses habang sila ay naglalakbay pa sa disyerto. At pinatutunayan ng bibliya na ang Messiah ang tagapagsalita at sugo ng Ama.
Ang Ama ay nagsasalita at nangungusap sa pamamagitan ng salita, ang salita na sumasakaniya, na kasama na Niya mula sa pasimula, mula ng likhain ng Ama ang lahat ng bagay kasama na Niya ang salita.
Ang mediator ng Ama sa langit, ang tagapagsalita at tinig ng Ama.
Kung ano ang inuutos











