Ang Opisyal na Logo at Tema para sa Paggunita ng Nazareno 2024
Quiapo Church
Mga KaDeboto! Narito ang Opisyal na Logo at Tema para sa Paggunita ng Nazareno 2024
NAZARENO 2024
TEMA: "IBIG PO NAMING MAKITA SI HESUS" Juan 12:21
Show More
Debosyon • Traslacion • Misyon
Iniibig ng mga Griyego na makita si Jesus. Ang apat na tao sa logo ay sumasagisag din sa atin sa panahon ngayon na mga taong may pagnanais na makita si Jesus. Katulad ng mga Griyego na naghahangad na makaranas ng himala na marahil ay kanilang narinig na sa maraming tao, gayundin ang paghahangad ng mga tao hanggang sa ngayon na patuloy na pumupunta sa tahanan ng Poong Jesus Nazareno, naghahangad ng himala, ng magbibigay kaginhawaan, magbibigay kapayapaan, magpupuno ng puso na hindi mahanap sa mga bagay sa mundong ito. Marahil napagtanto ng mga tao at lalo na ng mga deboto na mahirap mapunan ang iniibig ng puso kung hindi nito hahanapin at bubuksan ang sarili sa tunay na umiibig dito. Tanging ang mahal na Poong Jesus Nazareno lamang ang makakapagpuno sa ating mga puso.
Sa ating paghahangad na makita si Jesus, katulad sa Ebanghelyo, hindi isang Griyego lamang ang naghahangad na makita si Jesus. Ibig sabihin, hindi tayo mag-isa sa paghahangad na mahanap ang tunay na makapagpupuno ng ating mga puso. Marami tayong naghahangad at naglalakbay upang mahanap ang tunay na magbibigay ng kapayapaan sa buhay. Ito rin ang makikita natin sa tahanan ng Poong Jesus Nazareno sa Quiapo. Maraming tao ang sama-samang naglalakbay upang makita ang mukha ng Poong Jesus Nazareno. Maraming tao ang nagtataas ng kanilang mga kamay sa panalangin at nagbubukas ng kanilang mga puso upang Siya na ang bahalang gumawa ng mabubuting bagay sa kanilang mga buhay.
Yung paghahangad na makita, hindi lamang tungkol sa karanasan na makita ng mata yung imahe ng Poong Jesus Nazareno. Kasama sa paghahangad ng mga Griyego at ng mga tao ngayon ay yung karanasan na makatagpo si Jesus, yung karanasan na makausap si Jesus, yung karanasan na makilala pa si Jesus, at yung karanasan na makapitan si Jesus. Mapapansin natin na itong











