Ang pag-ibig ba ng Diyos ay may kundisyon o walang kundisyon? The unconditional Love of God. Bible


Frisian DC

587 views

Malinaw na ang pag-ibig ng Diyos ay walang kundisyon gaya ng inilalarawan sa Bibliya dahil ang Kanyang pag-ibig ay Kanyang ipinadama sa Kanyang pinaguukulan niyon (at iyon ay ang Kanyang mga hinirang) sa kabila ng kanilang kawalan ng pag-ibig sa Kanya. Sa ibang salita, umiibig ang Diyos dahil likas sa Kanya ang umibig (1 Juan 4:8), at ang pag-ibig ang nagtutulak sa Kanya upang gumawa ng mabuti sa masasama. Ang walang kundisyong kalikasan ng pag-ibig ng Diyos ay napakalinaw na makikita sa Ebanghelyo. Ang mensahe ng Ebanghelyo ay ang kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Habang alam ng Diyos ang kasasapitan ng Kanyang bayan na lumalaban sa Kanya, ipinasya Niya na iligtas sila sa kanilang mga kasalanan at ang desisyong ito ay base sa Kanyang pag-ibig (Efeso1:4-5). Pakinggan natin ang mga salita ni Apostol Pablo sa Kanyang sulat sa mga taga Roma:

“Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa” (Roma 5:6-8).

Show More

Sa pagbabasa sa buong aklat ng Roma, matututunan natin na tayo ay nahiwalay sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan. Sa ating likas na kalagayan, kinapopootan tayo ng Diyos at ang Kanyang poot ay nahahayag laban sa mga hindi mananampalataya dahil sa kanilang mga kasalanan (Roma 1:18-20). Tinanggihan natin ang Diyos at ibinigay Niya tayo sa ating mga kasalanan. Matutunan din natin na lahat tayo ay nagkasala at walang sinuman ang karapatdapat sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23) at walang sinumang humahanap at walang sinuman ang gumagawa ng matuwid sa Kanyang paningin (Roma 3:10-18).

Sa kabila ng poot ng Diyos sa atin dahil sa ating mga pagkakasala at sa hindi natin pagkilala sa Kanya (na Siyang dahilan kung bakit perpektong

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press