Ang Pagbabalik ng Messiah: Ang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon!
Matthew 24:29
Datapuwa't pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
Matthew 24:30
At pagkatapos ay lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na bumababa mula sa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
Show More
Matthew 24:31
At susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.











