Ang Pagsubok - Tagalog Bible Story
Bakit tayo dumadanas ng mga Pagsubok? Talakayin natin!
Bakit nga ba Tayo sinusubok ng Diyos?
Show More
Sa Lumang Tipan, ang "Pagsubok" ay Mula sa Hebreong salitang "Bachan," na ang ibig Sabihin ay "suriin, imbestigahan, at patunayan".
"Sinusubok ng Panginoon ang puso ng tao katulad ng pilak at ginto na sinusubok sa apoy kung ito ay tunay o hindi". (Kawikaan 17:3 ASND).
Sa bagong Tipan naman, Ang "Pagsubok" ay Mula sa Griyegong salitang "Domikazo" na nangangahulugang "patunayan, ariing ganap, at suriin".
Sa 1 Tesalonica 2:3, sinasabi Dito na, "Sa halip, nangangaral kami bilang mga karapat-dapat na katiwala ng Dios ng kanyang Magandang Balita. Ginagawa namin ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso namin".
Sa Luma at Bagong Tipan, Ang salitang "Pagsubok" ay parehong nangangahulugang "patunayan". Sa makatuwid, sa tuwing sinusubok ng Diyos Ang Kanyang mga anak, Ang Kanyang dahilan ay upang patunayan kung Ang kanilang pananampalataya ay totoo. Hindi dahil sa Hindi Niya alam Ang kanilang pananampalataya (dahil Alam Niya Ang lahat ng mga bagay) kundi nais Niyang patunayan sa atin na Ang ating pananampalataya ay totoo, na tayo'y tunay na mga anak Niya, at walang kahit Anong Pagsubok Ang sisira sa ating pananampalataya.
Binanggit ni Santiago na Ang Pagsubok sa ating pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan na nagbibigay Daan sa pagiging ganap at walang kakulangan (Santiago 1:3-4). Sinabi din Niya na Ang Pagsubok ay Pagpalala at Ang dumadanas nito'y mapalad, dahil matapos Niya itong mapagtagumpayan ay makakamtan Niya Ang gantimpala ng Diyos na Buhay na walang Hanggan para sa mga nagsisi-ibig sa Kanya (Santiago 1:12). Ang Pagsubok ay nagmumula sa ating Ama na sa lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya na tinawag Niya ayon sa Kanyang Layunin (Romans 8:28).
Ang Pagsubok ay dumadating sa atin sa ibat-ibang kaparaanan. Ang pagiging Kristiyano ay kadalasang nagtutulak sa atin upang umalis sa ating comfort











