ANG “PURPOSE” NG BUHAY AT ANG IYONG TUNGKULIN DITO SA LUPA? (Tag. Ver. Vol.19) LGL Inspirational


Kahit ano pa ang Estado natin sa Buhay, lahat tayo ay may Mahalagang Misyon o Tungkulin na dapat gampanan habang tayo’y nabubuhay sa Mundo. Mapalad ang ibang tao na sa maagang panahon ay nadiskubre nila ang kanilang Misyon at Tungkulin . Ngunit marami pa rin sa atin ang hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa sarili kung ano nga ba ang dapat nilang gawin sa Buhay. Naitanong mo rin ba sa sarili kung Ano nga ba ang “purpose” ng Buhay. Bakit nilikha ng DIYOS ang mga tao at hinayaang mamuhay dito sa Mundo. Kung isa ka rin sa Katulad ko na nagtatanong ng ganito ay para sa iyo ang videong ito. Nais kong ibahagi sa inyo na ang kasagutan sa mga tanong na ito ay hindi komplikado at napakadaling unawain taliwas sa inaakala natin. Panoorin mo ito upang maging malinaw sa iyo ang dapat mong malaman at kailangang gawin upang mapunta sa Tamang Landas tungo sa Buhay na walang hanggan. Hangad ko na mabugyan kayo ng kaliwanagan sa inyong pamumuhay. Maraming Salamat po sa inyong walang sawang pagsupport sa aming mga videong handog sa inyo ng L’CIE GOD’S LOVE 143. GOD BLESS US ALL.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press