Ang puso na ito ay pananatilihin mo na nakatuon sa Diyos.
WOTG - Word On The Go
Maaaaring very proud ka sa religion mo. Ako member ako ng ganitong organisasyon. Kami ang ligtas kasi ganito ang aming samahan pero hindi mo kinikilala na ang kaligtasan mo ay hindi manggagaling sa sarili mo kundi sa Panginoong Hesus na nagbayad ng iyung mga kasalanan.
Kaya nga kaibigan kailangan mo ng pagrereset ng iyung puso. Kailangan mo maibalik siya sa pamamahala ng Diyos.
Ang ibig sabihin ay ipagpapalit mo sa Diyos ang puso mo na malayo o nanlalamig. Hihiling ka sa Diyos ng bagong puso na naghahangad na mahalin ang Diyos at sundin.
Hahangarin mo na ang sinsabi ng iyung bibig patungkol sa Diyos ay walang halong pagkukunwari at sa halip iyun talaga ang laman ng iyung puso. At iyun talaga ang ginagawa mo ke may nakakakita o wala.
Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
👉youtu.be/jqoUmdlr4vU
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog