ANG SALITA MO'Y ILAWAN | Nicole S. Calisin.
"ANG SALITA MO'Y ILAWAN"
Ang Salita mo’y ilawan sa’king mga paa
At liwanag sa aking landas
Puso ko’y umaawit ng labis na ligaya
Pagkat si Kristo ang kasama ko,
sa tuwina
KORO:
Agos ng tubig sa batis
Hampas ng alon sa dagat
Pangako Mo ay hindi magbabago
Bulaklak man ay malalanta
Langit at lupa’y mapaparam
Salita Mo ay hindi magbabago.
Ang kaligayahan ko’y nasa Panginoon
Buong buhay ko’y purihin ang pangalan Mo
Nais kong Ika’y sundan, kamay ko ay hawakan
Upang makamtan ang buhay na
walang hanggan.
( ULITIN ANG KORO )
#Nocopyrightsinfringementindented.











