ANG WAKAS | Arthur Miguel ft. Trisha Macapagal | spoken poetry


MERCY BLESS

127 views

ANG WAKAS
BY: MERCY BLESS

mahirap ba subukang lumaban
kapag di na kaya?

Show More

di ba pwedeng ayusin ang lahat
kung may oras pa?

hahayaan nalang ba natin
kahit na meron pang paraan
na umayon muli sa atin ang tadhana?

ilan lamang iyan sa mga katanungan
nung naramdaman kong nagbago bigla
ang bawat salita na lumalabas sayong mga labi
at ang mga titig na parang… may mali

pero masisi ba kita
kung ang mga pangako’y di mo na kayang tuparin
masisi ba kita
kung ayaw mo na talaga sa akin

kaya kitang angkinin
ngunit… malabo na kung tadhana ang kakalabanin
dahil ang mapapala’y sakit lang din
sa kadahilanang di mo na ako kayang mahalin

sa’n ba nagsimulang nagbago ang lahat?
at kelan mo naramdamang di na ako sapat?

doon ba sa parteng minamahal kita
at naniwala sa mga pangakong mananatili ka?
o dun sa parteng sinssabi mo ang salitang mahal kita
kahit na ang totooy meron ng iba

gusto kitang ipaglaban
kahit alam kong maling mali na
gustong gusto kitang manatili
kahit ..tapos na

ngunit nauna ka na sa dulo
tinakasan ang mga pangakong tayo lang hangang dulo
at habang tumatagal napapansin ko
na sa bawat tiktak ng oras
ang dating wagas ay unti unti nang magwawakas

tuluyan ng naglaho
ang taong minahal ko
tuluyan ng lumayo
dahil meron ng bago

ako’y lumalapit sayo
ngunit sakit lang ang nararamdaman
sinusubukan kong ayusin
ngunit lalong ang puso’y nasasaktan

tadhana ba ang lahat ng to?
tadhana bang mawawasak ako nang ganito?
dahil lang sa taong nagpakatotoo,
sa kanyang nararamdaman at sinigaw sa buong mundo
na di na ako

di kita masisisi

kung ayaw mo na talaga
di kita masisisi
kung hanggang dun nalang talaga

minahal lang naman kita
at wala akong magagawa kung nahanap mo sa iba
ang di ko naibigay sayo nung tayo pa

ngunit sa gitna na sakit
at ng pusong umaasang babalik ka pa
at bago natin tuluyang wakasan ang kwento nating dalawa

gusto kong sabihin na
salamat sayo

salamat sa sakit dahil natutunan kong
di na pwedeng ipanalo
kung may iba ng nagmamay ari nito

at di na ipipilit
kung

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press