ANO ANG BIBLIA? Para sa sa akin ba ito? Paano? Napanood mo na ba ito? Frisian DC
Frisian DC
Sa video na ito ipapaliwanag kung ano ba ang Biblia..Mga ilang bahagi ng kasaysayan na naka sentro kay Jesus! Ang ating Panginoon at Tagapagligtas.
Ang Bibliya ay "hiningahan ng Diyos" (2 Timoteo 3:16).
Show More
2 Timoteo 3:16
16. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,
Ang mga tao na ginamit upang sumulat ng mga aklat ay pinangasiwaan ng Diyos at ipinasulat kung ano lamang ang gusto Niyang maisulat at ang resulta ay ang perpekto, banal at walang kamaliang Salita ng Diyos .
2 Pedro 1:21
21. sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.











