Ano ang gagawin mo kung iba ang plano ng Diyos kaysa sa iyong plano.
Naranasan mo na bang magplano sa buhay kaya lang hindi nangyari ang mga bagay na inaasahan mo sa iyong plano. Ibinuhos mo ang iyong oras, lakas at kabuhayan para sa plano na ito pero nabigo ka pa din. Nakakapanghina, nakakalungkot, nakakagalit at nawawalan ka na din ng pagasa. Kaibigan Alam mo ba na hindi lahat ng iyong plano ay parehas ng plano ng Diyos para sa iyo? Maaaring ito ay plano mo sa para sa iyong anak, o sa iyong pagaaral, o sa iyong career, pero bakit kaya parang iba ang mga nangyayari kaysa sa pinlano mo?
Ah ito ang sagot Sabi sa Kawikaan 16:9 ASND
Show More
“Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.”
Sabi rito maaaring magplano ang tao pero ang kaganapan o katuparan ng mga plano na ito ay nasa Diyos pa din nakasalalay.
Kaya narealized ko tuloy sa halip na magtampo ako sa Diyos pag hindi nangyari ang gusto ko ay mas magiging produktibo pala ako kung tatanggapin ko na may mga bagay talaga na pinaplano ko ang hindi tutugma sa plano ng Diyos sa akin. Maaaring minsan iniisip ko na ito na ang best plan para sa akin pero meron pa palang mas mainam na naiisip ang Diyos at kailangan ko lang tanggapin ang katotohanan na ito. Pero syempre hindi ganon kadali lalo na kung naapektuhan ang malalaking plano sa buhay mo gaya ng plano mo sa iyong mapapangasawa, plano mo sa iyong negosyo, plano mo sa iyong career, o kaya plano mo para sa iyong pagaaral. Maaaring inaasahan mo na makapasa ka sa entrance exam sa eskwelahan na gusto mo kaya lang hindi ito nangyari.
Ako din Noong araw ay nadiscourage dahil hindi ko nagawang magaral sa maynila sa gusto kong eskwelahan dahil wala kaming pera. Kaya nagdesisyon nalng ako na magaral ng ibatibang technical courses sa aming probinsya. Hindi ko alam na hinahanda pala ako ng Diyos para sa isang negosyo na paggagamitin ko ng lahat ng technical skills na pinagaralan ko. Noong nagsisimula palang kami sa aming negosyo ay wala naman kaming kakayahang maghire ng mga tao kaya nasubukan ko tuloy na ako ang











