Ano ang Ibig-Sabihin ng Pag-Gamit ng Pangalan ng Diyos sa Walang Kabuluhan?
Kaibigan, alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng ikatlong utos na binigay ng ating buhay na Dios sa bundok ng Sinai?
Ayon sa Exodus 20:7 (MBBTAG), mababasa natin:
“Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.”
Sa unang pagbasa natin ng utos na ito, maaring nalilito ka. Ano nga ba ang ibig sabihin ng paggamit sa pangalan ni Yahweh sa walang kabuluhan? Paano ito nilalabag ng mga tao at paano natin ito maaring sundin?
Sa nakaraang episode, napagusapan natin ang pangalawang utos kung saan natutunan natin ang ibig-sabihin ng pagkakaroon ng diyos-diyosan. Sa episode natin ngayon, patuloy nating tatalakayin ang Sampung Utos at ang magiging pangunahin pokus natin ay ang pangatlong utos.
Kung ganun, samahan niyo po kami ngayong araw at bubusihin natin ng mabuti kung ano nga ba ang ibig saibhin ng Pangatlong Utos at paano natin ito masusunod.











