ANO ANG NAUNA ITLOG O MANOK, BIBLIYA ANG SASAGOT!
Ito po ay simpleng tanong ng karamihan na nais nilang hanapan ng kasagutan. Isang tanong na ibinato sa atin kung nasa bibliya nga ba ang kasagutan.
At bilang pagpapaunlak sa katanungan na iyan, tayo ay sumagot sa pamamagitan ng nakasulat sa bibliya tungkol sa mga hayop.
Show More
Mayroon nagbigay ng reaksyon at komento sa video content na ito, na nagsabing "ginagawa daw natin katatawanan ang bibliya". Hindi po natin ginagawang katatawanan ang bibliya, isang kasalanan ang lapastangin ang mga sinasabi ng biliya, sapagkat ang mga nakasulat sa bibliya ay mga salitang galing sa hininga ng Makapangyarihang Lumikha. At may kaparusahang nakalaan sa mga lumalapastangan sa mga salita ng Diyos sa bibliya.
Ang nakatutuwa at maaring ikatawa ay ang tanong a "kung ano ang nauna sa itlog at manok" , bagamat isang pagbibiro ang ibinigay na tanong sa atin, nabigyan naman po natin ng tamang kasagutan mula sa biliya.
Ito ay isang patunay na kahit ano pang mahirap na tanong na nasa isip ng tao, may sagot ang bibliya. At kahit na nahihirapan ang tao na malaman ang sagot sa tila misteryosong tanong para sa kanila, mayroon pa rin sagot na matatagpuan sa bibliya.
Kaya nga ang tanong natin sa nag comment na si Rose Dioso, mas gusto mo ba na ang nagtuturo sa iyo ay laging seryoso at mukang maamo, pero manloloko? ..at ililigaw kayo mula sa totoong aral sa bibliya, at lilinlangin kayo at papaniwalain sa mga mali at kasinungalingang aral na hindi sinasang ayunan ng bibliya?
Minsan kailangan natin ngumiti sa buhay, at maging masaya, habang tayo ay nag aaral sa mga katotohanan na pinapahayag sa bibliya, masyadong stressful ang mundong kinabibilangan natin ngayon, dahil to ay pinamumunuan ng diablo, ang dios ng sanglibutan na ito.
At mas gugustuhin pa natin na kahit minsan tayo ay mapapangiti ng mapapasaya habang napapakinggan natin ang mga katotohanan na napapanood natin sa ating ginagawang pagaaral, maging masaya ka, habang natututo ka sa mga salita ng Diyos sa bibliya.
Ngunit kung ang content na











