Ano ang panganib ng Insecurity at paano ito mapagtatagumpayan
Kaibigan san ka kumukuha ng seguridad mo sa buhay? Nagbabase ka ba ng iyung seguridad sa iyung itsura, abilidad, o atensyon na natatanggap mo? Nauubos ba ang oras mo sa kaiisip kung ano ang tingin ng tao sayo?
Narealized ko na ang lahat ng tao kasama na ako dito ay merong insecurity sa ibatibang paraan. At magugulat ka kasi kahit ang mga taong akala mo na napakataas, matatalino, mayayaman ay merong din palang insecurities.
Show More
Halimbawa si John Quincy Adams, siya ay galing sa maimpluwensyang pamilya, siya ay diplomat, US Congressman, US Secretary of State at hindi lang yun siya pa ang 6th President of the United States.
Pero tignan mo sabi nya
“My whole life has been a succession of disappointment. I can scarcely recollect a single instance of success in anything I ever undertook.”
Then ito pa si John Steinbeck
Siya ay 1962 Nobel Prize in literature, at nanalo din sa Pulitzer Prize dahil sa sinulat niyang “The Grapes Of Wrath’ at marami pa syang sinulat na talagang hinangaan gaya ng “Of Mice and Men” at “East of Eden, pero tignan mo iniisip nya sa sarili nya na sya ay impostor o mapagpanggap lamang. Sabi nya sa kanyang journal,
“I am not a writer. I’ve been fooling myself and other people.”
Then si Pierce Brosnan na gumanap ng apat na beses sa James Bond ay talaga namang nakaranas din ng insecurity at galit sa sarili.
Sabi nya
“I know what it’s like to loathe oneself. To feel that deep self loathing. It’s painful and ugly and unwanted…” You think ‘Am I smart enough? - Am I equipped enough to deal with it all?”
Grabe nakakarelate ka ba? Isa pa si Sandra Bullock isang sikat na artista at Oscar Award winner ay ito ang sabi nya
“I’m an optimistic, joyous person, but also afraid and insecure”
Then si Selena Gomez tignan mo ang sabi nya sa isang interview.
“I feel really insecure sometimes. I go through weird ups and down.”
Tapos si Will Smith ito kilalang kilala nyo ito na naging sikat na rapper at sabi sa isang Newsweek Magazine dati na tinawag syang ‘The Most











