Anong gagawin mo kung ang sagot sa iyung panalangin ay WAIT


May mga pagkakataon na pakiramdam mo ang bilis sumagot ng Diyos sa iyung panalangin. Pero may panahon naman na nababalisa ka kasi parang feeling mo hindi nakikinig ang Diyos. O kaya minsan pakiramdam mo yung iyung panalangin ay tumatalbog lang pabalik sayo.

Pero alam mo ba na ang katotohanan ay ang lahat ng panalangin natin ay sinasagot ng Diyos sa tatlong paraan? Yes, No at Wait
Kaya masaya tayo pag ang sagot ng Diyos ay yes. Ibinigay ang ating hiling. Kaya lang pag No ang sagot ay nadi-disappoint tayo. At ito pa yung pangatlo ay sa tingin ko na mas malala sa pakiramdam pag sinabi ng Diyos na Wait. Ito ang pinakamahirap nating iproseso. Bakit? Kasi nakabitin ka, hindi mo alam kung kailan ibibigay?

Show More

Kabigan alam natin na ang timing ng Diyos ay perfect. Alam natin na perfect din ang plano Niya. Alam natin na nagmamahal Siya sa atin at nagmamalasakit.

Kaya lang ito yung problema Kapag hindi natin natatanggap agad instantly ang ating Panalangin ay nakakalimutan natin agad at pinapawalang bahala yung mga pangako ng Diyos sa atin. Hindi na natin inaalala yung character ng Diyos na Siya ay mabuti at Siya ay tapat at dahil dito ay nag-aalala tayo. Nawawalan ng peace, nawawalan ng patience at pag nangyayari ito ay sinusubukan nating kontrolin ang mga bagay bagay. Sinusubukan nating gawan ng solusyon ang mga problema na nakaasa sa sarili nating lakas at nakaasa sa sarili nating pangunawa. Maaring nag-aantay ka sa isang trabaho inaantay mo yung isang balita patungkol sa status mo sa company o maaring ikaw ay may sakit o ang iyong mahal sa buhay at nag-aantay ka na kagalingan. Maaring ikaw ay single at ang tagal mo ng nanalangin ng mister or Miss Right kaya lang ay wala pa hindi pa dumadating. O ikaw ay nag-aantay na ang iyong asawa at anak ay makakilala sa Panginoong Hesus.

Narealized ko kapag tayo ay nahaharap sa isang delay ay mabilis tayong nadi- discourage at sumusuko doon sa ating pinag-aantay pero tandaan mo ito kaibigan na ang Diyos ay hindi nagmamadali pero hindi

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press