Anong Panalangin Ang Kailangang Unahin Ngayung Taon


Naitanong mo ba minsan sa sarili kung meron bang panalangin na mas nakakalugod sa Diyos. Kasi marahil sa tuwing nananalangin ka ay puro hingi ang laman ng iyung panalangin. Bagamat hindi naman masama ang humingi sa Diyos kaya lang naisip mo na parang selfish naman yata ako. Kasi puro tungkol sa sarili ko nalang ang gusto kong intindihan ng Diyos. Gusto ko naman na malaman kung ano ang panalangin na gusto Niyang hilingin ko. O kaya naman marahil feeling ko walang nangyayari sa pananalangin mo kasi parang ang layo ng Diyos, tapos hindi mo maranasan yung pagkilos nya sa personal mong buhay. Alam mo kaibigan marahil may mga bagay kasi na dapat mong hinihingi sa Diyos pero hindi mo nagagawa.

Paano kung sasabihin ko sa iyo ngayun na merong panalangin na makakapagbago ng iyung buhay maniniwala ka ba?. Hindi lang ng iyung sarili ang mababago kundi pati na ang mga mahal mo sa buhay na ipapanalangin mo.

Show More

Alam mo ako din hindi lang parang walang impact ang panalangin ko noon sa aking buhay kung hindi hirap na hirap din akong manalangin noon. Walang linaw ang aking panalangin at walang patutunguhan o purpose. Nahihiya pa nga akong manalangin noon lalo na kapag merong discipleship group tapos ako ang naatasan na manalangin. Naku grabe hindi ko alam ang sasabihin ko at kung may ipapanalangin naman ako ay paulitulit lang yung sinasabi ko at walang direksyon. Kaibigigan sa paguumpisa ng taon ay gusto ko pagusapan naman natin ngayun ang pinakaimportanteng panalangin na pwede nating hilingin sa Diyos. Yung panalangin na may clarity at purpose. Yung panalangin na makapagpabago sa ating buhay, makakapagpabago sa ating mga mahal sa buhay at makaapagpabago sa ating simbahan.

Maraming pwedeng hilingin sa Diyos pero may lima lang tayong hihilingin sa Diyos na magbibigay ng impact sa buhay natin at sa ibang tao.

Kaya nga Tapusin mo ang mensahe na ito upang maipanalangin mo ang mga paguusapan natin. Kapag ipinapanalangin mo ito at sinasabuhay ay makikilala mo ang Diyos ng mas malalim.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press