Apat na pagtugon sa kabutihan ng Diyos na kailangan mo!


Alam natin na ang Diyos ay mabuti Siya ay nagmamahal, nagmamalasakit at pinapatawad kahit na yung mga taong kagaya ko na hindi naman deserving na mapatawad. Tapos binigay Niya pa yung Kanyang nag-iisang anak ang Panginoong Hesus para mamatay para sa ating kasalanan at hindi Niya iyon ginawa nung tayo ay nagbago na kung hindi sabi sa Romans 5:8 ginawa niya iyon nung tayo ay makasalanan pa. Sobrang buti ng Diyos kaya kung iisipin natin kung gaano siya kabuti halos hindi natin maipaliwanag, halos hindi natin maintindihan. Ako pag iniisip ko yun sabi ko Lord sobrang walang hanggan ang iyong pagmamahal. Ang hirap maintindihan kasi yung pagmamahal mo hindi kagaya ng pagmamahal ko na mayroong limitasyon at kahit anong magagandang deskripsyon ang sabihin ko para sa Diyos ay kulang pa rin iyon para maisalarawan kung gaano siya kabuti. Kaya nga habang iniisip natin kung gaano kabuti ang Diyos sa buhay natin ay ang kasunod na tanong, paano naman tayo tutugon sa kanyang kabutihan. Anong magiging response natin sa natanggap nating kabutihan mula sa Kanya.

Nakakalungkot kasi may mga tao na ang nagiging tugon nila sa kabutihan ng Diyos ay pang aabuso.

Show More

Parang isang tao na nagte-take advantage sa kabutihan ng iba Kaya nga ang daming tao ang nagsasabi o nag-iisip na dahil ang Diyos ay mapagmahal, mahabagin, mabuti kaya iniisip nila "sobrang mahal ako ng Diyos kaya maiintindihan Niya ako", "alam ng Diyos ang puso ko kaya't ok lang itong ginagawa ko maiintindihan Niya ako." Alam naman ni Lord na busy ako at meron din akong mga alalahanin kaya saka nalang ako maglilingkod. Alam mo kaibigan totoo na sobrang mabuti ang Diyos at mapapatawad ka Niya kaya lang ang maling pagtugon sa kabutihan ng Diyos ay magdudulot sayo ng consequence. Ang paguusapan natin mamaya ay hango sa Salmo chapter 50. Dito natin makikita kung ano ang reaksyon ng Diyos sa dalawang grupo ng tao. Isang tumugon ng pagsusuko ng kanilang buhay sa Diyos bilang pasasalamat at ang pangalawang grupo naman ay tumugon ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press