ARAL DAW NG DEMONYO ANG PAGKA WALANG ASAWA NG MGA PARI NG SIMBAHANG KATOLIKO?


Isinulat ni Sa Pablo na “… Ang pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa Panginoon”. (1 Corinto 7:32). Ang pamumuhay ng hindi paga-asawa ay nagbibigay laya sa pari upang maibuhos ang kanyang atensyon sa gawaing pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos. Si San Pablo ay nagpahiwatig sa maraming pagkakataon na ang pananatiling walang asawa ay mas higit na dakilang pagkatawag.

Ang mga pari ay tumugon sa ganoong pagtawag, kaya nabibilang sila sa mga bukod-tanging nakalaan para sa ganitong gawain. Bukod dito, ang pananatiling walang asawa ay nagpapahintulot sa pari upang mas higit niyang maisabuhay ang kagalingan ng kalinisan, na ginawang huwaran ni Kristo mismo. Ang Simbahan ay hindi namimilit sa kahit kanino na mag-asawa. Ang sinumang ibig manatiling walang asawa sa kanilang bokasyon ay kusang loob. Ang mga pari ay nabibilang sa mga taong malayang pinili ang panata ng hindi paga-asawa para sa kapakanan ng kanilang ministeryo sa mundo at bokasyon. Makatuwiran lamang na ang Simbahan – bilang Kasintahan ni Kristo – ay pinaglilingkuran ng mga birheng kaparian, na nag-aalay ng kanilang buhay para mapaglingkuran ang Kasintahan ni Kristo.

Show More

Ang hindi paga-asawa ng kaparian ay dapat makita na magandang pag-aalay kay Kristo, isang kalugod-lugod na pagpapatotoo ng tunay na malasakit ng isang pari sa ating Panginoon at sa Simbahan.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press