AWIT NG PAGSAMBA (acoustic cover): Musikatha song and Lyrics


Charlot Lampa

1,118 views

It's my 22nd Birthday! Awit ng Pagsamba, a Musikatha song, ang napili ko para sa araw na ito dahil naabot ko rin ang aking 22nd birthday.

Tunay na kay buti ng Diyos sa aking buhay at ginabayan niya ako sa mga nagdaang panahon. Sa kabila ng aking pagkukulang sa Kanya ay nandoon pa rin ang Kanyang presensiya.

Show More

"Ang pagpupuri at pasasalamat.." ay sa Kanya lamang nararapat sa lahat ng araw ng aking buhay.

Awit ng Pagsamba Lyrics:

Kay buti Mo Panginoon
Dakila Ka sa buhay ko
Sa labis na pag-ibig Mo
Ay naligtas ako

Hindi man karapat-dapat
Ay Iyong pinatawad
At binigyan Mo pa ng tinig
Tinuruan Mong umawit
Kaya ngayon ang puso't isip ko
Iisang sinasambit

Ang pagpupuri't pasasalamat
Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba'y
Sa Iyo lamang iaalay

Hesus

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press