AYOKO NG MASAKTAN | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

155 views

Ayo ko ng masaktan

Nakakatakot magmahal
Sapagkat di ka naman sigurado kung
Pag-ibig ba ang matatanggap mo
o masasaktan lang ulit ang puso mo

Show More

Lahat tayo ninanais ang totoog pag-ibig
Lahat tayo ay gusto ng pagmamahal at
Gustong maging masaya

Ngunit minsan
Mapaglaro ang tadhana
Dahil napupunta tayo sa taong
Kaya tayong saktan ng paulit-ulit

Napupunta tayo sa taong
Di tayo kayang unahin at piliin

Ayoko ng masaktan
Dahil di ko na kayang makita ulit ang sarili ko
na nagmamakaawa sa pag-ibig na sakit
lang din ang kapalit

Nakakatakot na iiwanan ka ng taong
Minahal at pinaglaban mo
Dahil di pa sapat lahat ng binigay mo

At Nakakatakot na marinig muli
Ang mga salitang dudurog ng puso
At wawasak nito

Ayoko na kung ito lang din ang muling mapapala

Ngunit aminin natin
Na minsan parang gusto pa natin muling sumugal
Sa isang relasyong sira na
Dahil nga kapag minahal mo talaga yung tao
Kahit na ano pang magyari
Ay nasapuso parin natin ang umasa

Umaasa na baka balang araw
Matutunan din tayong mahalin at piliin
Na baka kapag bigyan pa nang isa pagkakataon
Ay kaya tayo muling pasayahin

Sa gitna nang sakit at takot na naramdaman
Di mapipigilang ang puso ay aasang
Maging maayos pa kung susubukan

Ngunit maari bang sa muling pagkakataon
Wala ng uuwing luhaan
Wala ng mang-iiwan
Dahil takot na ang pusong masaktan

Nakakapagod ng bumalik sa umpisa
Kung sa huli ay sakit lang rin ang mapapala
Nakakatakot ng marinig ang salitang mahal kita
Lalo na kung di mo naman ito nakikita

Ganito pala ang pag-ibig
di lahat ng pahina sigurado
Dahil lahat sa umpisa gusto kang ipanalo
At ang nakakalungkot
Di nila kayang manatili hanggang dulo

Kaya heto
Mag-isa muli akong hinihilum ang sugat ng kahapon
At di sigurado kung kaya pabang bumangon

Kaya ayoko ko ng masaktan
At ayo ko ng umasa sa mga pangakong
Mapapako lang naman

Dahil kung pag-ibig lang din na pansamantala
Pakiusap huwag na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press