Baguhin mo ang iyong pananaw


BAGUHIN MO ANG IYONG PANANAW

Malaki ang nagagawa ng positibong pananaw. Iwasan mo ang pagiging negatibo. Ang pagiging negatibo ay uubos ng lakas na kailangan mo para maayos o maharap ang iyong sitwasyon. Hindi mo kasi nakikita ang magagandang bagay kung nakapokus lang ang mga mata mo sa mga bagay na hindi mo nagustuhan. Subukan mo namang magpokus sa positibong bagay. Kapag lagi kang negatibo, MAPIPIGHATI ka at laging MASAMA o MALUNGKOT, ang araw mo. Pero kapag nakapokus ka sa mga bagay na positibo, magkakaroon ka ng MABUTING PUSO at magiging MASAYA ka pa. Alisin mo ang mga negatibong kaisipan at palitan mo ito ng mga bagay na positibo. Kapag napapaharap ka sa mahihirap na kalagayan, tanungin mo ang iyong sarili: TALAGA NGA BANG WALA NA AKONG PAG-ASA? HANGGANG DITO NA LANG BA AKO, O MAY MAGAGAWA PA AKO? Patuloy na alisin ang mga negatibong kaisipan at laging isipin ang mga bagay na nakapagpapatibay.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press