BAKASAKALI | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS
MERCY BLESS
BAKASAKALI
BY: Trix Santelices
PRODUCED BY: MERCY BLESS
Sa bawat pag paglubog ng araw at pag sapit ng gabi
Tila ang lungkot ay ramdam ko na naman muli
Ako ay magbabakasakali
Na makatanggap sa iyo ng mensahe na nagsasabi
Gusto ko makita kang nakangiti
Magpadala ka naman ng litrato ito ba ay maaari?
Upang ang pagod ko sana ay mapawi
Ako naman itong sumunod at nagmamadali
Yung dating ngumingiti ngayon ay humihikbi
Bakit ngayon ako na yung nagbabakasakali?
Na kausapin ng kaunti
Maghintay sa mensahe mo kahit na maikli
Naaalala ko tuloy yung dati
Noong iniwan mo ako sa tabi
Hindi ko lubos naintindihan ang iyong sinabi
Na babalik ka at ako’y manatili
Naguguluhan ako sa mga nangyayari
Natatakot na baka maulit muli
Yung sakit na kinailangan mong mawalay sa aking tabi
Sapagkat akala mo’y hindi ako saiyo mabibighani
Hinihiling ko na sana bumalik na tayo sa dati
Maiintindihan naman kita kung ikaw yung may pagkakamali
Papatawarin ka ng walang pag aatubili
Paumanhin na rin kung ang pasensya ko’y manipis pa sa pisi
Sabihin mo lang kung dapat pa bang manatili
Oh kaylangan na muna natin unahin ang mga sarili
Nais ko lang naman malaman kung bakit hindi
Tayo na lang sana hanggang sa huli











