👉Bakit daw Maraming Makasalanan at Kriminal sa Simbahang Katoliko?

3,159 views,

Bro. Wendell Talibong ~ PananampalatayaatKatuwiran

283,000 views

#FAITH #SEEKING #UNDERSTANDING #ONECFD

Hindi sukatan ang mga miyembro kung marumi o malinis o makasalanan. hindi po yan makakasira, mapasubalian, mapapawala, mapapa-invalidate, o mapapa-nulify ang pagiging BANAL ng simbahan.

DAHIL ang tinutukoy nating BANAL ay yung kinaanibang iglesia(simbahan), ng mga taong ito na naligaw ng landas o mga naging masama. Ito ang pahayag ni Hesus:

Mateo 13:47-50 TLAB
Ang Salita ng Diyos

Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sarisaring isda: Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama. Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

Ngayon, kung ikukumpara sa mga ibang sekta, wala po silang gantong katangian o palatandaan ng pagiging tunay na iglesia, at yun ay ang pagiging BANAL.

Papaano ba naman kasi, tao ang founder ng kanilang sekta, at ang taong iyon dating membro ng simbahang Catholica, (tulad nila Felix Manalo, Martin Luther, at iba’t iba pang fundador ng kanilang mga religious sects), sila ay umalis mula sa ating BANAL na simbahan, kaya nawala na sa kanila ang KABANALAN, bagkus nagtayo ng iglesiang sariling kanila, so logically, ang kanilang itinayong iglesia ay hindi BANAL, dahil nga mismo mga fundador ng sarile nilang iglesia ay HINDI banal, dahil nga wala na sila sa loob ng nag-iisang BANAL na iglesiang tatag ng ating panginoong BANAL na si Hesus, walang iba kundi ang Holy Catholic Church.


✅Mr. Curius Catholic / @mr.curiouscatholic
✅FactBusters PH / @factbustersph
✅Pananampalataya at Katuwiran / @pananampalatayaatkatuwiran
✅Follow me in my Tiktok account : vm.tiktok.com/ZT8Lo87hs/

✅ PLEASE HELP SUPPORT THIS MINISTRY BY SUBSCRIBING! IT'S FREE!
---------------------------------------------------------------------
FOR SPEAKING ENGAGEMENT & BRAND COLLABORATION, CONTACT ME:
Email: christipax513@gmail.com
---------------------------------------------------------------------

Related Videos

 /