BAKIT DI SINUNOD NG MGA KATOLIKO ANG BIBLIYA? ! Why Catholic don't follow what the Bible said?

442 views,

The Catholic Faith Guardian

11,500 views

BAKIT DI DAW SINUSUNOD ng mga Katoliko ang Bibliya?

Palagi nating naririnig sa mga nagsu-sulpotang kulto ngayon, na kung ang mga Katoliko daw ang nag-compile ng Bibliya, bakit di nila sinusunod ang nakasulat sa Bibliya?

Ang pambatang tanong na ito ay napakadaling sagutin. Unang-una, ito po ay isang maling tanong sa Logic o "Begging the Question", dahil ina-assume na nila na tama ang kanilang pag-intindi sa Bibliya. Feeling kasi ng mga sulpot na kung anu-ano ang nabasa nila sa Bibliya ay tama na agad ang interpretasyon nila.

Dapat kasi na tinanong muna nila kung tama ba ang kanilang pag-intindi sa mga nabasa nila sa Bibliya bago sila mag-akusa na hindi ito sinunod ng mga katoliko. At magbigay sila ng kahit isang history book na nagpapatunay na hindi katoliko ang nag-compile ng Bibliya, kundi ang kulto nila.

ITO DAPAT ANG TAMANG TANONG:

1. Sino ba ang nakakaintindi ng maayos sa Bibliya: ang mga Katoliko ba na nag-compile sa Bibliya o ang nagsusulpotang kulto at sekta na nakikibasa lang sa bibliya?

2. At kung sila ang tama, bakit humantong ito sa lampas apat na pong libong kulto (kagaya ng INC, ADD, SDA, BAC, JW, at marami pang sekta at kulto na tatag lang ng tao) na may ibat-ibang interpretasyon sa Bibliya?

3. Kung lahat ng kulto ay tama ang interpretasyon, bakit di sila nagkaka-isa at bakit sila nag-aagawan sa pagpapatunay na isa sa kanila ang tama?

4. Nasaan itong mga kulto noong na-compile ang Bibliya sa ika-apat na siglo? At bakit wala sila noong idineklara ang 27 na aklat ng New Testament?

Samakatuwid, hindi porke't Hindi mo sinasang-ayonan ang mga aral ng Iglesia Katolika ay salungat na ang mga ito sa Bibliya. Hindi nyo lang maintindihan ng tama ang sinabi sa Bibliya dahil hindi ang kulto nyo ang nagcompile at nag canonize sa Bibliya noong ikaapat na siglo, kundi ang Iglesia Katolika lamang.

Related Videos

 /