BAKIT MAS PINILI MONG TAPUSIN KESA AYUSIN | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
By: Mercy Bless
bakit mas pinili mong tapusin
kesa ayusin
bakit mas pipiliin mong tapusin kesa ayusin?
iyan ang tanong na lagi mong bukambibig
kapag tayo ang nagkakalabuan
Show More
gustuhin ko man na manatili sayo
pero para saan pa?
oo minahal kita
at mahal pa kita
pero sa tuwing nakakasama ka
ta kot ang nararamdaman ko
takot na mawala ka
at takot na malaman na
hindi na ako ang laman ng puso mo
kung ang akala mo ay buong buong pa ako
nagkakamali ka
dahil sa bawat araw na ikaw ang kasama
ang puso ay napapagod na
pagod ng umintindi sa bawat paliwanag
na paulit ulit nalang
pagod ng magbubulag bulagan
sa mga kataga mong ako lang
kaya sa tuwing tinatanong mo
kung bakit mas pipiliin kong
tapusin kesa ayusin
iyon ay dahil kapag lalayo ako sayo
nakikilala ko kung sino ako
nabibigyan ko ng oras na pakinggan ang sarili ko
mas pipiliin kong tapusin
dahil takot akong masaktan pa ng sobra
takot ako na umabot sa puntong
magmamakaawa sa isang pag-ibig na
na nakalaan na sa iba.
paano pa natin aayusin
kung matagal ng sira ang sinumulan nating dalawa
paano pa natin bubuohin
kung ang lahat ng piraso ay nadurog na
gustohin ko man na maging maayos pa ang lahat
ay huli na, dahil ang hinihiling mong pag-ibig ay wala na
di na kayang hilumin nito ang pusong nawasak ng sobra
kaya kung tatanuingin mo ako
maspipiliin kong lumisan
kesa lumaban
oo, ikaw at ikaw parin ang laman ng puso ko
pero huwag kang mag-alala
dahil pipilitin kong lumayo
lalabanan ang nararamdaman
mauuna sa katapusan
nang sa di na masaktan
pero paano ko ba to matatakasan
kung sa tuwing sinusubukan kong lumalayo
unti-uting nawawasak ang aking puso
paano ko masasabing di na kita mahal
kung ang paglisan lang ang kaya kong gawin mahal
masakit tanggapin na hindi na ako
pero ano ba ang magagawa ko
kung wala na talaga
oo pinili kong tapusin
pero di ibig sabihin na
di na kita kayang mahalin
pinili kong tapusin
dahil kahit na di mo aminin
alam kong sa huli
siya parin ang iyong pipiliin
Music: https://youtu.be/QbebpO-6LeM











