BAKIT MAY MGA PAGSUBOK O PROBLEMA? ANO ANG DAHILAN? Frisian DC


Frisian DC

1,728 views

Bakit pinahihintulutan ng Diyos na dumaan tayo sa mga pagsubok at kahirapan?
Ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng buhay Kristiyano ay ang katotohanan na ang pagiging tagasunod ni Kristo ay hindi garantiya na hindi tayo makakaranas ng mga pagsubok at kahirapan. Bakit hinahayaan ng isang mabuti at mapagmahal na Diyos na dumaan tayo sa mga pagsubok at kahirapan gaya ng kamatayan ng anak, pagkakasakit, kapinsalaan sa atin o sa ating mahal sa buhay, kasalatang pinansyal, pagaalala at pagkatakot? Kung tunay na iniibig tayo ng Diyos, aalisin Niya ang mga bagay na ito sa ating buhay. Hindi ba’t ang pagmamahal ay nangangahulugan na nais Niyang mabuhay tayo ng maginhawa at komportable? Ngunit hindi gayon. Malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na iniibig Niya ang kanyang mga anak at “sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti” (Roma 8:28). Kaya nangangahulugan ito na pinahihintulutan Niya ang mga pagsubok at kahirapan sa ating buhay at ang mga ito ay bahagi ng paggawa Niya sa lahat ng bagay–para sa ating ikabubuti. Kaya nga, para sa mananampalataya, may mabuting layunin ang Diyos sa likod ng mga pagsubok at kahirapan.

Katulad sa lahat ng bagay, ang pinakalayunin ng Diyos para sa atin ay lumago tayo at maging katulad sa kabanalan ng Kanyang Anak (Roma 8:29). Ito ang layunin sa buhay ng Kristiyano, at sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, kasama ang mga pagsubok at kahirapan. Ito ay bahagi ng proseso ng pagpapaging banal ng Diyos sa atin, sa pagtatalaga Niya sa atin para sa Kanyang layunin at upang maging karapatdapat tayo sa Kanyang kaluwalhatian. Ang paraan kung paano ito ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok ay ipinaliwanag ni Apostol Pedro sa 1 Pedro 1:6-7: “Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press