BAKIT PARANG MAY IBA NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

4,621 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
BAKIT PARANG MAY IBA NA
By: Junalyn Baquino
VOICE & EDIT : MERCY BLESS

isa, dalawa, tatlo
bakit unti unti tayong nagbabago
apat, lima, anim, pito
ulo ko'y nahihilo
kakaisip ng dahilan kung bakit tayo nagkaganito
walo, siyam, sampo
gusto ko muna magtago sa apat na sulok ng aking kwarto
upang isipan ko'y mabigyan ng kalinawan

Show More

mahal, bakit parang may iba na
bakit yung dating mainit nating pagsasama unti-unting nawawala
sa akin ay parang nanlalamig kana
natalo mo pa ang yelo sa panlalamig mo sa akin sinta

mahal unti unti na din akong napapagod at nawawalan ng pag-asa
sobrang bigat na din ng maskara na aking dala-dala
mga luha ko'y nag-uunahan na sa paglandas sa aking mukha

tuwing gabi sumasagi sa isip ko na lisanin ang kamay mo
yakap moy unti unti ng lumuluwag ang kapit neto
halakhak mo'y naglalaho
boses mo'y sa tenga koy unti unti ng lumalabo
kahit saang anggulo tingnan
relasyon nating dalawa naglalaho na

lalaban pa ba o susuko na?
tanong na gusto kong iwaglit sa aking alaala
dahil mahal kita
ayaw kung masira kung ano mang meron tayong dalawa
kaya kahit masakit, kahit mahirap
pipilitin kung maging matatag
upang relasyon natin ay hindi mabasag

mahal, lumaban ka din sana
kong may problema sabihin mo na
mahirap magpanggap na masaya
sa relasyong puno ng katanungan at pangamba

pangamba na baka may iba kana
katanungan na bakit at paano kung lubid ay mapuputol na
ayaw kong maging bulag sa katotohanan
dahil yun ang nararapat at kailangan
ayaw kung makulong sa relasyong puno ng kasinungalingan

kaya mahal sa huling pahina ng aking tula
sa huling letra ng aking talata
sa librong ikaw at ako ang paksa
sa pyesang sabay nating ginawa
tatanungin kita----

ka, la, ma---
may iba kana ba aking sinta?!

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press