Bakit si San Pedro ang unang PAPA ng Simbahang Katoliko?
Tanong!
Sa “Mateo 19:18-19 “at sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking IGLESIA: at ang pintuan ng mga hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Ibibigay ko sa iyo ang mga SUSI sa kaharin ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at sino mang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.”
Show More
Bakit po kay Pedro ibinigay o ipinagkatiwala ng Panginoong Hesus ang susi ng Langit at hindi po sa mga Lider ng bagong sulpot na sekta? Pag binigyan ka po ng susi ng langit, ano pong authority meron ka dito sa lupa?
Sa Old Testament, Isaias 22:21-22
21 Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging ama ng mga taga-Jerusalem at ng mga taga-Juda.
22 Ibibigay ko sa kanya ang SUSI ng sambahayan ni David;
walang makakapagsara ng anumang buksan niya,
at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
Bakit po AMA ang tawag sa pinagbigyan ng SUSI at hindi pastor or ministro?
Sa 1 Pedro 5:13
13 Kinukumusta kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga pinili ring katulad ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, ang mahal kong ANAK sa pananampalataya.
14 Buong giliw kayong magbatian bilang magkakapatid kay Cristo.
Bakit po ANAK ang sa pananampalataya ang tawag ni San Pedro kay Marcos? ano po ang tawag ni Marcos kay San Pedro?
Sa Acts 1:20 ( KJV )
For it is written in the book of Psalms, Let this habitation be desolate, and let no man dwell therein: and his BISHOPRIC let another take.
Pagtinaas po ang basa sa chapter 17 si Judas po ang tinutukoy dito. Kailagan daw po may pumalit sa BISHOPRIC or sa pagka-obispo ni Judas.
Bakit po si Judas ay may kahalili sa pag ka obispo? Kung si Judas po ay pwedeng may pumalit o may humalili mas Lalo na po kay San Pedro na syang pinagbigay ng SUSI ng langit?











