BAKIT TINATAWAG NA "FATHER" NG MGA KATOLIKO ANG MGA PARI, BAWAL DAW ITO SA BIBLIYA?
BAKIT TINATAWAG NA FATHER NG MGA KATOLIKO ANG PARI SAMANTALANG IPINAGBABAWAL RAW ITO SA BIBLIYA?
Ito ang isa sa mga paboritong hanapan ng butas ng mga Anti-Catholics, ika nila, itong pangtawag raw ng mga Katoliko sa mga pari na "Father" ay hindi kailanman tinuturo ng Biblia at kung tutuusin ay ipinagbabawal pa nga.
Ang kanilang ginagamit na argumento ay ang talata kung saan ating mababasa:
Show More
"And call no man your FATHER upon the earth: for one is your Father, which is in heaven."
Matthew 23:9 KJV
Ang interpretasyon nila rito ay sundin ito ng literal na huwag kang tatawag ng 'Father' sa kahit na sinong taong narito sa lupa lalo na ang kahit na sinong mga pari sa Simbahan dahil iisa lamang ang Ama at ang Ama na ito ay ang kaisa-isang Amang Makapangyarihang Diyos.
Kung tatangkilikin natin ang ganitong klaseng literal na pangunawa sa talata. Na huwag tatawag ng 'Father' ng kahit na sino rito sa lupa, nagkakasala na rin pala tayo at lumalabag sa utos ni Kristo tuwing tinatawag nating Tatay, Itay, Ama, at 'Father' lalo na tuwing Father's day ang mga tatay. Kung ganito lang rin, hindi magiging happy tuwing sasapit ang araw na ito: Father's day sapagkat wala ka nang karapatan upang bumati pa ng "Happy Father's Day!" sa iyong tatay sa kadahilanan ngang ipinagbabawal ito sa Biblia.
PAGLILINAW TUNGKOL RITO.
ANG PROBLEMA NG KANILANG PAGUNAWA.
Ang problema po sa kanila, pinuputol nila ang talata na ito upang magmukhang totoo na hindi nga tama na tawaging "Father" ang mga pari sa ating Simbahan. Dahil kung babasahin natin ang sinasabi bago at pagkatapos ng talatang Matt. 23:9:
You must not be called ‘Teacher,’ because you are all equal and have only one Teacher. And you must not call anyone here on earth ‘Father,’ because you have only the one Father in heaven. Nor should you be called ‘Leader,’ because your one and only leader is the Messiah.
Matthew 23:8-10 GNT
Kapag uunawain po natin ito, mapapansin nating ang tatlong talatang nabanggit ay porma ng isa sa mga Figure











