👉Banat ni Pastor Canonigo, mga matagal ng Patay sinsasamba ng Katoliko?
#faith #Seeking #understanding
SINASAMBA NGA BA ng mga Katoliko ang Rebulto o Imahen?
Show More
Madalas ito ang ginagamit para ibato ng ibang sekta kung bakit daw tayo sumasamba sa rebulto, bakit daw tayo lumuluhod dito. At ito daw ay labag sa Diyos.
Sa Lumang Tipan, ginagamit na din ang rebulto o larawan, Ito ay inutos ng Diyos.
“Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito.”(Exodo 25:18)
At bakit ipinagawa ng Diyos ang dalawang kerubing ginto?
“Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.”(Exodo 25:22)
Ang mga Kerubin ay tanda kung saan kakatagpuin ng Diyos ang mga pinuno ng israel. Sa madaling salita, ipinaaalala ng mga Kerubin ang Diyos.
Ang mga larawan at mga rebulto ng mga Santo ay ginagamit para maalala ng mga tao ang mga santo para sila ay matularan sa ginawa nilang pagsunod at pagmamahal sa Diyos. Hindi Sila Sinasamba.
Katulad na lamang ng rebulto ni Birhen Maria na madalas nating nakikita sa mga kapilya. Ito ay nagpapaalala sa mga tao na dapat maging mabuting ina sa mga anak dahil magiging walang kwenta ang pananampalataya ng isang ina kung pabaya siya sa kanyang mga anak.
Madalas sinasabi satin ng kabilang mananampalataya bakit nyo sinasamba ang rebulto ni HESUS, nakita nyo na ba sya?
“Ang mga batong ito ang magpapaalaala sa bayang Israel sa mga ginawa ng Panginoon. Kung sa panahong darating ay itanong ng inyong mga anak kung ano ang kahulugan ng mga batong iyan.”(Josue 4:6)
Malinaw dito, Sa batong iyan, pinapaalala sa mga taga israel ang mga bagay na nagawa ng Diyos, kaya kahit ano pa man ang itsura nyan kung ang inaalala mo ay ang Diyos ito ay nangangahulugan na ikaw ay lubusang nagtitiwala sa kanya. Hindi mo naman kelangan ang eksaktong itsura eh, ang mahalaga dito ay para sa kanya ang pag ala ala mo dahil napakahalagang bagay ito para sa ating mga Kristiyano.
“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin











