(BANTAY) Paggabay: Pangangalaga sa Kapakanan ng mga Bata
Ngayong pandemic, iba’t-iba ang klase ng pag-cope ng mga tao lalo na ang mga bata. Sa Panatag na Kaisipan: Isang serye tungkol sa "mental health" para sa mga bata, tatalakayin ang pangangalaga sa kapakanan ng mga bata, pagtuturo sa mga bata kung paano pamahalaan ang kanilang emosyon at pagbibigay diin na may pag-asa at paggaling.
Samahan ang ating mga karakter na si Bantay, Ming at Gilas sa kanilang pagbibigay impormasyon tungkol sa Paggabay, Pagsasapuso at Paghilom.
Show More
Sa animation video na ito, panoodin si Bantay sa kanyang pagtalakay sa Paggabay: Pangangalaga sa Kapakanan ng mga Bata.
Ang mental health animation series ay isang proyekto ng PCMN sa ilalim ng COVID-19 Response Philippines: Integrated Cash Transfer and Child Protection at pinondohan ng Danish Emergency Relief Fund.











