Bantayan mo na ang bagong puso na binigay sayo ng Diyos.
WOTG - Word On The Go
Ang pagbabantay sa puso ay higit pa sa pagprotect o pagiingat dito na magkasala kundi ito ay may kasamang pagpupuno, at paghahanap ng tuloytuloy. Ano ito? Ang ibig sabihin ay hindi ka hihinto sa pagiwas sa kasalanan kundi hahabulin mo ang presensya ng Diyos sa iyung buhay, bubusugin mo ang iyung kaluluwa ng pagkaing Spiritual. Magpapakagalak ka sa presensya Niya. Ito ang tunay na pagbabantay sa puso.
Meron kang ibabawas o tatanggalin at meron ka namang idadagdag at ipapalit.
Ang pagpapakain ng Salita ng Diyos sa iyung kaluluwa ay mas mahalaga kaysa sa pagiwas mo sa kasalanan. Bakit?
Kasi kung malakas na malakas ang puso mo dahil punongpuno ito ng mga bagay at panuntunan ng Diyos at pagmamahal Niya. Ay ang pagsunod mo sa Diyos ay magiging delight at hindi obligasyon. Ang obedience ay bubukal sa puso mo ng kusa dahil mahal mo ang Diyos.
Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
👉youtu.be/jqoUmdlr4vU
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog