Basahin ang mga Salita ng Diyos at Unawain ang Kanyang Layunin
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung paano kukumpletuhin ng isang tao ang kanyang misyon at sa anong uri ng kapaligiran ng pamumuhay niya aakuin ang kanyang papel ay ganap na nakasalalay sa kanyang kapalaran sa buhay. Sa madaling salita, walang obhetibong kondisyon ang maaaring makaimpluwensiya sa misyon ng sinuman na paunang inorden ng Lumikha. Ang bawat isa ay umaabot sa hustong gulang sa partikular na kapaligiran kung saan sila lumaki; pagkatapos, hakbang-hakbang, tinatahak nila ang sarili nilang landas sa buhay at tinutupad ang tadhanang isinaayos para sa kanila ng Lumikha. Likas at kusa, pumapasok sila sa malawak na karagatan ng sangkatauhan at inaako ang kanilang puwesto sa buhay, at, alang-alang sa paunang pag-orden at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, sinisimulan nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad bilang isang nilikha."
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.











