BIYERNES SANTO AT LINGGO NG PAGKABUHAY? KAILAN ANG TOTOONG ARAW NAIPAKO ANG KRISTO?


Ano nga ba ang totoong araw naipako sa krus ang kristo?

Alamin natin ang mahalagang araw na ito at hayaan natin ang bibliya ang magbigay ng kasagutan sa ating mga katanungan.

Show More

Marami ang nagkakamali sa paniniwalang siya daw ay naipako sa krus sa araw ng Biyernes Santo. Ito ang sikat at popular na paniniwala ng halos lahat ng mga kristiano sa mundo, ngunit totoo nga ba ang paniniwala nila? kailangan natin patunayan ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos sa bibliya. ..aalamin natin sa video na ito kung ano ba talaga ang tamang araw kung kailan naipako ang Kristo?

(Matthew 12:39-40)
But He answered and said to them, “An evil and adulterous generation seeks after a sign, and no sign will be given to it except the sign of the prophet Jonah.
“For as Jonah was three days and three nights in the belly of the great fish, so will the Son of Man be three days and three nights in the heart of the earth.

..Nang tanungin si Yahushua, ang tanging senyales na ibinigay niya sa kanyang pagiging Messiah ay mananatili siya sa libingan ng 3 araw at 3 gabi, tulad ni Jonah na nanatili sa tiyan ng balyena ng 3 araw at 3 gabi

Ang sabi ng Messiah sa John 2:19 na siya ay mabubuhay mula sa mga patay sa loob ng 3 araw, ..sa Mark 8:31 sinasabing pagkatapos ng 3 araw,
at sa Luke 24:46 naman sinasabing ang muling pagkabuhay niya ay sa ika-3 araw.

Ang Kristo na nagbayad ng kaparusahan sa ating mga kasalanan ng kanyang sariling buhay, ay nabuhay na mag-uli pagkaraan ng tatlong araw at tatlong gabi at umakyat sa kanang kamay ng Kanyang Ama sa Langit. Ang Langit kung saan mula roon Siya ay magbabalik muli sa pagdating ng panahon upang pamunuan ang mundo bilang Hari ng Mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press