đBreaking News! Pastor Quiboloy Hindi Pahuhuli ng Buhay! Manhaunt nagpatuloy!
#faith #seeking #understanding
Quiboloy âdi pahuhuli nang buhay!
Show More
Ito ang mariing sinabi nitong Sabado ng kontrobersyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng warrant of arrest na inisyu laban dito ng korte.
âTatayo ako na âdi pasasakop sa injustice, tatayo ako for constitutional rights, âdi magpapasakop sa oppression, buti pa mamatay ako sa kamay ng mga Pinoy kaysa mamatay sa kamay ng mga puti na nasa ibayong dagat âdi ako papayag sa ganong sistema, tutulo ang dugo ko sa sariling bansa, âdi ninyo ako mahuhuli ng buhay, buti pa barilin na ninyo ako huwag lang mangialam ang Amerika,â pahayag ni Quiboloy na gumaralgal ang boses sa paglalahad ng mensahe nitong Sabado na iniere sa Sonshine Media Netwok International (SMNI).
Sinabi ni Quiboloy na mas mabuti pang barilin na lamang siya ng kapwa niya Pilipino kaysa hulihin nang buhay.
Samantala nagbigay rin si Quiboloy ng demand sa gobyerno, kay PNP Chief P/General Rommel Francisco Marbil, National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo de Lemos, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat umanong lagdaan ng mga ito sa isang dokumento na igagarantiya na hindi siya ibibigay at manghimasok ang mga Amerikano ay lilitaw siya kahit saang dako ng Pilipinas para harapin ang kaniyang mga kaso.
Ayon kay Quiboloy, ayaw niyang sumuko dahil ang âend gameâ umano ay âextra ordinary renditionâ kung saan ibibigay siya ng gobyerno sa mga Amerikano.
Ayon kay Quiboloy, kung hindi ito maigagarantiya sa kaniya ay hindi siya pahuhuli nang buhay at handa rin siyang ipagtanggol ng kaniyang mga tagasunod sa KOJC.
Muli ring nanindigan si Quiboloy na wala umanong katotohanan ang mga kasong ibinibintang sa kaniya na aniyaây matagal na nadismis at pilit lamang umanong binubuhay.
â
Mr. Curius Catholic https://www.youtube.com/@mr.curiouscatholic
â
FactBusters PH https://www.youtube.com/@FactbustersPH/videos
â
Pananampalataya at Katuwiran https://www.youtube.com/@PananampalatayaatKatuwiran
â
Follow me in











