Christian Dance | "Gaano Kahalaga ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao" | Praise Song
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Christian Dance | "Gaano Kahalaga ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao" | Praise Song
I
Ang eksenang inilarawan sa Bibliya "Ang Utos ng Diyos kay Adan"
ay isang larawan na nakakaantig at nakakagalak sa puso.
Bagama't ang Diyos at ang tao lamang ang narito,
ang pagiging malapit nila sa isa't isa ay pumupuspos sa inyo ng paghanga.
II
Ang masaganang pag-ibig ng Diyos
ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao;
ang tao ay inosente at dalisay, walang mga dinadala at alalahanin,
napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos;
nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao,
habang ang tao ay namumuhay sa ilalim ng proteksyon at pagpapala ng Diyos;
ang bawat bagay na ginagawa at sinasabi ng tao
ay malapit na nakaugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.
III
Nakadama ang Diyos ng pananagutan sa tao simula noong nilikha Niya ang tao.
Ano ang Kanyang pananagutan?
Kailangan Niyang protektahan ang tao, alagaan ang tao.
Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao sa Kanyang mga salita.
Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos mula sa tao.
IV
Dahil sa pag-asang ito kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod:
"Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka nang may kalayaan:
Datapuwat sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama
ay huwag kang kakain;
sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka."
Ang mga simpleng salitang ito ay kumakatawan sa mga layunin ng Diyos.
Ibinubunyag din ng mga ito na sa Kanyang puso,
ang Diyos ay nagsimula nang magpakita ng malasakit para sa tao.
V
Sa iilang simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos.
May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? Mayroon bang malasakit?
Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos ay hindi lamang mapahahalagahan
kundi madarama rin nang masinsinan.
Bilang isang taong may konsensya at may diwa ng pagiging makatao,
makakaramdam ka ng init, makakaramdam ka ng pag-aalaga at pagmamahal,
at makakaramdaman ka ng kaligayahan.
VI
Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos?
Madarama mo kayang labis kang malapit sa Diyos?
Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso?
Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos?
Makikita mo mula rito
kung gaano talaga kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos.
Ngunit ang lubhang mas mahalaga
ay ang pagpapahalaga at pag-unawa ng tao sa pagmamahal ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.