Christian Dance | "Mamahalin ng Puso ko ang Diyos Magpakailanman" | Praise Song

775 views,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

212,000 views

Christian Dance | "Mamahalin ng Puso ko ang Diyos Magpakailanman" | Praise Song

I
Sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos hanggang sa araw na ito,
nakaunawa kami ng napakaraming katotohanan at labis kaming nagkamit.
Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, lumiwanag ang puso ko.
Malinaw kong nakita ang ugat ng kadiliman ng mundong ito.
Sa paglaya sa pang-aakit at mga tukso ng masasamang kalakaran,
ginagawa ko ang tungkulin ko at nahanap ang direksiyon sa buhay.
Gamit ang mga salita ng Diyos bilang mga prinsipyo ko sa pag-asal,
hindi na ako nalilito o naliligaw, at lubos akong masaya.
Sa pagsasalita araw-araw, dinidiligan at pinapakain ako ng Makapangyarihang Diyos,
pinapalago ang buhay ko sa bawat araw.
Tunay akong mapalad na makasunod at makapagpatotoo sa Diyos sa araw na ito,
at dito ay labis Niya akong biniyayaan at pinagpala.
Handa akong ihandog ang aking katapatan, na gawin nang maayos ang aking tungkulin,
na ipakalat ang salita ng Diyos, at magpatotoo sa biyaya ng pagliligtas ng Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos ang naglilinis at nagliligtas sa akin.
Mamahalin ko Siya magpakailanman at susuklian ko ang pagmamahal Niya.

II
Sa pagdanas ng paghatol at paglalantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
nakita ko ang katiwalian ko at nakakaramdam ako ng kahihiyan.
Tinanggap ko ang paghatol, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos,
at sa pamamagitan ng pagdusa ng matinding sakit,
ako'y nalinis at naligtas ng Diyos.
Tanging ang mga salita ng Diyos ang makakapagkaloob sa akin ng buhay,
at ang mga salita Niya ang pundasyon ng aking pag-iral.
Paanong hindi ako magpapatirapa sa harap ng Diyos,
pinapasalamatan at pinupuri Siya?
Sa pagsasalita araw-araw, dinidiligan at pinapakain ako ng Makapangyarihang Diyos,
pinapalago ang buhay ko sa bawat araw.
Tunay akong mapalad na makasunod at makapagpatotoo sa Diyos sa araw na ito,
at dito ay labis Niya akong biniyayaan at pinagpala.
Handa akong ihandog ang aking katapatan, na gawin nang maayos ang aking tungkulin,
na ipakalat ang salita ng Diyos, at magpatotoo sa biyaya ng pagliligtas ng Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos ang naglilinis at nagliligtas sa akin.
Mamahalin ko Siya magpakailanman at susuklian ko ang pagmamahal Niya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

 /