Christian Dance | "Nagpakita na ang Kaharian ng Diyos sa Lupa" | Praise Song

678 views,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

217,000 views

Christian Dance | "Nagpakita na ang Kaharian ng Diyos sa Lupa" | Praise Song

I
Si Cristo ng mga huling araw ay nagpapahayag ng katotohanan,
naghahatol, naglilinis, at nagliligtas sa sangkatauhan.
Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig
at nakikita Siya sa Kanyang mga salita.
Tinatamasa nila ang pagdidilig at pagpapastol ng Diyos,
at dumadalo sila sa piging ng kasalan ng Kordero.
Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos,
nabibigyang-liwanag tayo ng Banal na Espiritu.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan,
nararanasan natin ang walang katulad na kagalakan.
Si Cristo ay ang bukal ng tubig na buhay,
at ang ilog ng buhay ay dumadaloy nang walang katapusan.
Nararanasan ng mga tao ng Diyos ang Kanyang paghatol,
at nababago ang buhay disposisyon nila.
Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos
ang nagtatapos sa Kapanahunan ng Biyaya.
Nagpakita na ang kaharian ng Diyos sa lupa,
at tunay na isang pagpapala ang sumunod kay Cristo!

II
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng awtoridad,
at nalupig at nailigtas ng mga ito ang isang grupo ng mga tao.
Ang mga salita Niya ay nagiging pananalig at pagmamahal,
ginagabayan ang mga tao para mapagtagumpayan ang mga pagsubok at kapighatian.
Ang mga tao ng Diyos ay kumakawala sa impluwensiya ni Satanas
at mahigpit na sumusunod sa mga yapak ng Diyos.
Sa pagtanggap ng paghatol at pagiging nalinis,
sila ay nagiging mga bagong tao at namumuhay sa harap ng Diyos.
Gumawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay,
na nagpapatotoo sa Kanya sa bawat bansa at bawat lupain.
Pagkakita sa karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos,
naglalabas ng tunay na papuri ang puso nila.
Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa buong mundo,
at ang mga iglesia sa lahat ng dako ay nagsisimulang umunlad muli.
Nagpakita na ang kaharian ng Diyos sa lupa at naisasakatuparan ang Kanyang kalooban.

III
Lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian sa buong sansinukob
at ang Makapangyarihang Diyos ay pinaparangalan bilang dakila.
Ginagampanan ng bawat tao ng Diyos ang papel nila,
ginagawa ang mga tungkulin nila para magpatotoo sa Kanya.
Ang lahat ng bansa at bayan ay nagpapasailalim,
yumuyukod sa pagsamba sa Diyos.
Umaalingawngaw ang kasiyahan sa buong sansinukob,
ipinagdiriwang ang pagtatapos ng dakilang gawain ng Diyos.
Winawasak ng malalaking sakuna ang kaharian ni Satanas,
at nagpapakita ang katuwiran at liwanag sa mundo.
Pinatutugtog ng mga tao ng Diyos ang kanilang mga tambol at gong,
umaawit at sumasayaw ng papuri sa Diyos.
Lubos na ginapi ng Makapangyarihang Diyos si Satanas
at nagkamit Siya ng ganap na kaluwalhatian.
Nagpakita na ang kaharian ng Diyos sa lupa,
at pupurihin ang Diyos ng mga tao Niya magpakailanpaman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

 /