Christian Dance | "Nagpupuri't Umaawit Tayo sa Diyos" | Praise Song

1,483 views,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

224,000 views

Christian Dance | "Nagpupuri't Umaawit Tayo sa Diyos" | Praise Song

I
Dinig natin tinig ng Diyos, sa Kanya bumabaling tayo,
sumusunod sa yapak ng Kordero.
Dumadalo tayo sa piging ni Cristo,
araw araw kumakain at umiinom ng salita ng Diyos.
Nasisiyahan tayo sa pagdidilig at tustos ng Kanyang salita
at espiritu natin ay muling nabubuhay.
Nililiwanagan tayo ng Banal na Espiritu para maarok ang katotohanan
at kilala natin ang praktikal na Diyos.
Ang buhay sa kaharian ay walang katulad ang kasaganahan,
ang Diyos mismo ang gumagabay at nagpapastol sa atin.
Isinasagawa natin ang katotohanan at tinutupad ang mga tungkulin natin;
payapa at panatag ang puso natin.
Nakapagpapalaya ang mawalay kay Satanas,
maaari na tayong mamuhay sa harap ng Diyos.
Lahat ng ito'y Kanyang pag-aangat at biyaya,
may mas mapalad pa ba kaysa sa atin?

II
Sa paghatol, mga pagsubok, at pagpipino,
nalilinis ang ating disposisyong sataniko.
Batid ang matuwid na disposisyon ng Diyos,
may takot tayo sa Diyos sa puso natin at umiiwas sa kasamaan.
Sa pagdanas sa pag-uusig at paghihirap,
palaging pinapangunahan ng mga salita ng Diyos ang daan.
Ginawang perpekto ang pananalig natin,
naninindigan tayo sa patotoo natin at nakikita natin ang pagmamahal ng Diyos.
Nakamit natin ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
umaawit tayo ng mga awit ng papuri sa Diyos.
Papuri sa Kanyang matuwid, banal na disposisyon,
ang Diyos ay labis na karapat-dapat sa walang hanggang pagmamahal ng tao.
Papuri sa karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng gawain ng Diyos,
nalupig at nakamit Niya ang isang grupo ng mga tao.
Ang mga tao ng Diyos ay nagmamahal at nagpapasakop sa Kanya mula sa puso,
walang hanggan Siyang sasambahin.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

 /