Christian Dance | "Nagtamasa Ako ng Labis na Pag-ibig ng Diyos" | Praise Song
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Christian Dance | "Nagtamasa Ako ng Labis na Pag-ibig ng Diyos" | Praise Song
I
Tiwaling tao ako na puno ng satanikong tiwaling disposisyon.
Ang paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos ay nagdudulot sa akin ng kahihiyan.
Nakikita ko kung gaano ako katiwali, na halos wala na akong wangis ng tao;
nawalan ako ng anumang katotohanang realidad,
at lahat ito ay nagpapaligalig sa puso ko.
Nang may nababalisang puso, lihim akong umiiyak.
Bakit hindi ko mapalugod ang Diyos?
Nang makita ang pananabik ng Diyos para sa aking pagsisisi,
hindi na ako nasisiraan ng loob at nadidismaya.
Ang pagmamahal ng Diyos ay nagpapakirot ng puso ko,
at nagpapabuhos ng aking mga luha na parang ulan.
Nilupig ng pagmamahal Niya ang puso ko,
at dahil dito'y minahal ko Siya mula ngayon.
Nakamit ko ang katotohanan sa pagsunod sa Kanya;
ang Diyos lang ang pinakakaibig-ibig.
II
Sa pagsasailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos,
malinaw kong nakikita ang katotohanan ng aking katiwalian.
Wala akong anumang pagkatao o katwiran,
pero mapagmataas, labis magpahalaga sa sarili, at mapagmagaling pa rin ako.
Wala akong isinasabuhay kundi mga satanikong disposisyon,
pero naniniwala pa rin akong mabuti ang pagkatao ko.
Nakita ko kung gaano kalalim ang aking katiwalian;
kailangan ko ang pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos.
Ang bawat salita ng paghahatol ng Diyos ay naglalantad sa pinagmulan ng aking katiwalian.
Puno ng pagsisisi, nagpapatirapa ako,
napagmamasdan ang pagkamatuwid ng Diyos.
Ang mahatulan at malinis ang mga tiwaling tao ay tunay na pagmamahal ng Diyos.
Ang pamumuhay sa harap ng Diyos ngayon ay ganap na dahil sa Kanyang pagliligtas.
Nakakamit ko ang biyaya ng pagliligtas ng Diyos,
at nagiging mas dalisay ang pagmamahal ko para sa Kanya.
III
Bagaman nasa gitna ng mga pagsubok,
dama pa rin ng puso ko ang pagmamahal ng Diyos.
Sa pagpipino, ang mga salita ng Diyos ang aking kaaliwan,
at alam kong pineperpekto Niya ako.
Ang pagtanggap ng pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos ay tunay na biyaya Niya.
Nakikita ko na sa Kanyang paghatol at pagkastigo,
naroroon ang tunay Niyang pagmamahal.
Nagagalak ako na nagagawa kong mahalin ang Diyos,
at hindi ko mapigilang purihin Siya.
Ang pagmamahal ng Diyos ay napakadakila, napakatotoo, at napakaganda,
at tinatamasa ko ito nang walang katulad.
Ngayon, ganap nang nasa Diyos ang puso ko;
habambuhay akong magdadakila at magpapatotoo sa Kanya.
Handa akong mahalin ang Diyos buong buhay ko,
hinahayaan Siyang makamit ang pagmamahal ko.
Pinagkalooban ako ng labis na pagmamahal ng Diyos,
mamahalin ko Siya magpakailanpaman.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.