Christian Movie Trailer | "Pamamaalam sa Panahon ng Kabataan"

622 views,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

227,000 views

Christian Movie Trailer | "Pamamaalam sa Panahon ng Kabataan"

Ang kolehiyo ay isang palasyo ng kaalaman sa puso ng napakaraming estudyante. Gayumpaman, sa pagpasok sa kampus, naharap si Yang Xinchen sa isang kapaligiran ng malamig na pagwawalang-bahala, isang lugar kung saan ang mga kaklase niya ay palaging nagpapakana at nakikipagkompetensiya sa isa't isa, lahat para sa paghahangad ng kasikatan at pakinabang. Ang pananampalataya sa Diyos habang nasa kolehiyo ay maaaring mauwi sa maisumbong, maaresto at mapatalsik pa nga. Ang madilim at napakabuktot na buhay-unibersidad na ito ay nagdulot sa kanya ng matinding pagkadismaya. Nagsimula siyang manabik sa magagandang panahong noong nakikipagtipon siya sa mga kapatid para magbasa ng mga salita ng Diyos, at mas lalo siyang nanabik na hangarin ang isang makabuluhang landas sa buhay. Pero ang pagpili sa tamang landas sa buhay ay hindi kailanman madali. Nang maisipan niyang itigil ang kanyang pag-aaral, mariin siyang tinutulan ng kanyang ina at mga kamag-anak, at binigyan siya ng matinding presyur. Sa gitna ng mga nanlalamong paghihirap, ano ang magiging desisyon niya? Nakatayo sa sangang-daan ng buhay, sino ang magtuturo sa kanya sa daan pasulong? Sana ay abangan ninyo ang pagpapalabas ng tampok na pelikulang: Pamamaalam sa Panahon ng Kabataan.

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related Videos

 /