Christian Music | "Nakarating Na ang Papuri sa Sion" (A Cappella)


Christian Music | "Nakarating Na ang Papuri sa Sion" (A Cappella)

I
Nakarating na ang papuri sa Sion at lumitaw na ang tahanan ng Diyos. Ang maluwalhating banal na pangalan ay pinupuri ng di-mabilang na tao at lumalaganap ito. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, ang Cristo ng mga huling araw—Siya ang nagniningning na Araw na sumikat sa loob ng buong sansinukob, sa itaas ng maharlika at dakilang Bundok ng Sion … Makapangyarihang Diyos! Sumisigaw kami sa Iyo sa kagalakan; sumasayaw at umaawit kami. Tunay na Ikaw ang aming Manunubos, ang dakilang Hari ng sansinukob! Nakagawa Ka na ng isang grupo ng mga mananagumpay at natupad Mo na ang plano ng pamamahala ng Diyos. Dadaloy ang di-mabilang na tao sa bundok na ito. Luluhod ang di-mabilang na tao sa harap ng trono! Ikaw ang nag-iisa at tanging tunay na Diyos at karapat-dapat Ka sa kaluwalhatian at karangalan. Lahat ng kaluwalhatian, papuri, at awtoridad ang mapasa-trono! Dumadaloy mula sa trono ang bukal ng buhay, dinidiligan at pinakakain ang lahat ng tao ng Diyos. Nagbabago ang buhay natin araw-araw; sinusundan tayo ng bagong liwanag at mga paghahayag, patuloy na nagdudulot ng mga bagong kabatiran tungkol sa Diyos. Sa gitna ng mga karanasan, nagiging lubos na tiyak tayo tungkol sa Diyos. Ang Kanyang mga salita ay patuloy na nagpapakita, nagpapakita sa kalooban ng mga taong tama. Tunay ngang labis tayong pinagpala! Tayo ay harap-harapan sa Diyos bawat araw, nakikipagbahaginan tayo sa Diyos sa lahat ng bagay, at hinahayaan natin ang Diyos na mamahala sa lahat ng bagay. Pinagbubulay-bulayan nating mabuti ang salita ng Diyos, tumatahimik ang ating puso sa Diyos, at sa paraang ito ay lumalapit tayo sa harapan ng Diyos, kung saan natatanggap natin ang Kanyang pagtanglaw. Sa bawat araw, sa ating buhay, mga kilos, salita, kaisipan, at ideya, namumuhay tayo sa loob ng salita ng Diyos, at kaya nating kumilatis ng mga bagay-bagay sa lahat ng oras.

Show More

II
Nakarating na ang papuri sa Sion at lumitaw na ang tahanan

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press